Ang Playback Theater bilang Improvisational Theatre
Ang bawat pagtatanghal ay spontaneous, walang linya o script na kinakabisado at walang rehearsal na nagaganap dito. Mula sa isang ritwal na sinusunod, nabubuo ang palabas- isang pagtatanghal mula sa pakikisalamuha at pakikipagtulungan ng grupong nagtatanghal at ng mga manonood. May mag-kukwento tungkol sa isang pangyayari sa kanyang buhay, pipili siya ng mga tauhang gaganap dito at pagkatapos ang kanyang kuwento ay isasadula sa isang masining na paraan.
Ang kauna-unahang Playback Theatre Company ay nagsamasama noong 1975 sa Upstate New York. Si Jonathan Fox bilang kanilang director ay naging bahagi ng experimental theatre explorations noong dekada 70.
Itinutuon ng Playback Theatre ang kanyang pansin sa mga social interactive elements ng pagtatanghal at sa kabuuan nitong karanasan, inilalapit nito ang tanghalan sa pang-araw-araw na katotohanan sa mga pamayanan at hinahayaan nitong magkaroon ng isang mayamang karanasan ang mga nagtatanghal at ang kanilang mga manonood sa loob at labas ng tanghalan.
Ilan sa mga naging inspirasyon ng Playback Theater ay ang mayamang traditisyong oral ng pagkukwento, traditional community rituals, at ang psychodrama ni J.L.Moreno.
Ang nais ng Playback Theater ay makagawa ng puwang kung saan ang bawat tinig at bawat kwento-- gaano man ito kakaiba, ordinaryo, masaya man o malungkot, ang ito ay maikwento at marinig. Isang lugar kung saan pinahahalagahan ang pagkakaiba ng bawat isa habang binubuo naman nito at pinatatatag ang ugnayan ng bawat isa bilang pamayanan.
Mula noong 1975, ang Playback ay pinalaganap sa buong mundo, ito ngayon ay ginaganap sa iba't ibang bansa, gamit ang iba't ibang lenguwahe. Ito ay nabubuhay sa iba-ibang settings, sa mga pagtitipon sa mga pamayanan at tumutugon din sa mga pangangailanagn ng mga propesyunal na social sector at maging sa negosyo .
Saan itinatanghal ang Playback Theater?
--sa mga Team building; sa mga Conferences; sa mga Training and Development Programs; sa mga Special Events; sa mga mahahalagang okasyon (birthday, kasal etc); sa mga pagpupulong ng mga grupo; at sa mga Regular na pagtatanghal sa publiko.
Iba pang gamit ng Playback Theater
--playback theatre sa larangan ng Edukasyon; playback theatre bilang social service; playback theatre sa organizational development; at playback theatre sa therapy.
PANOORIN NATIN!
edward l. dantis
0 Comments:
Post a Comment
<< Home